Thursday, December 21, 2017

DZRH Radio Sign-On and Sign-Off

SIGN-ON: Magandang umaga po, mga ginigiliw naming mga taga-subaybay. Ang himpilang DZRH ay sumasahimpapawid na.

SIGN-OFF: Sumainyo ang pagsasahimpapawid ng DZRH.

Ang DZRH na commercial radio station sa Metro Manila, at itinatag nitong a-15 ng Hulyo, 1946 ay pag-aari ng Manila Broadcasting Company, na ang transmitter ay matatagpuan sa Malanday, Valenzuela City, at ang studio naman ay nasa MBC Bldg, Sotto St., CCP Complex, Roxas Blvd, Pasay City.

Ang DZRH na kasapi ng Kapisanan ng mga Brodkasters ng Pilipinas o KBP, ay nagsasahimpapawid sa lakas na 50,000 watts, at nasa 666 kHz AM band sa inyong mga radyo, sa bisa ng license number 005881 na ibinigay ng National Telecommunications Commission.

Ang DZRH ay may layuning mag-broadcast nang naaayon sa broadcast ethics, at higit sa lahat sa pambansang interes.

SIGN-ON: Sa araw na ito, opisyal nang magsasahimpapawid ang DZRH.

SIGN-OFF Opisyal na pong tinatapos ang pagsasahimpapawid ng DZRH sa araw na ito.

Mga kaibigan, ang Pambansang Awit.

No comments:

Post a Comment